BEERbelly
Wednesday, October 28, 2009
Ang pangngalan ng aking mumunting kahibangan ay nagmula sa aking isang characteristic na Putang ina ay hindi ko na matanggal sa aking Tiyan.
Hindi man ako kumain after 6 o kahit kape na i dinner ko o Isoy.

Lalambot lang siya, magsosog na parang lumang unan pero never ever mawawala. Kung sasabihan man ako na mag situps ng aking mga pinagsasabihan o nakakapansin ng aking bulgar na sikreto.
Ang sasabihin ko lamang ay ayoko.

U know why bitches??
its my asset eh

Saka nakakapanglalaki naman ako kahit may tiyan ako! hahaha

Tulad ng aking blog, ang aking beer belly ang aking pagkakakilanlan
Kung wala ito at hindi nagproprotrude, hindi sila dito mapapatingin o magcacaught ng kanilang attention
In short, di ka nga nila makikilala

Tulad din ng isang blog at ng aking tiyan, hindi mo kailangan ipaglandakan sa mundo na meron ka nito dahil ang mga tunay na nakakapansin lamang ay ang mga pakialam

Advice: magsuot ng malalaking print ng damit o maluluwag sa medyo baba bago nya iemphasize ang Boobacious mong exsitent o n/a.

Tulad din ng isang blog, ang aking tiyan ay produkto ng masarap/malamig/mainit at malinamnam na alak na aking ininum mula August 2005.
samantalang ang isang blog naman ay produkto ng mga nararamdaman, nasasaisip na mga bagay na hindi mo kaya ilabas.

Sinubukan ko ikumpara sa aking blog ang aking tiyan sapagkat ito ang dalawang bagay na hindi ko tinatago ngunit hindi din pinagmamalaki ilabas, ito rin ay ang mga bagay na dulot ng kasiyahan, kaungotan, depressing times, landi moments at kaflipan at katripan lamang

Tuesday, October 27, 2009
My head keeps saying "no"
But my heart keeps giving in
So hard to let it go
When it's there, under my skin.

Anybody there - The Script

You can never say never
Why we dont know when
Time and time again
Younger now than we were before

Don't let me go

Never say Never - The Fray

Hands open, and my eyes open
I just keep hoping
That your heart opens

Hands open - Snow patrol

Oh you're so vain.
Now your world is way too fast.
Nothing's real and nothing lasts,
And I'm aware.
I'm in love but you don't care.

Big machine - Goo goo dolls

I know you won't let me
just turn and walk away
I'm tired of when you kick me around

Staring at the sun - Rooster




Sexy time part II
"The problem with open relationships is that you just don't know where to put yourself."
shampoo
Sunday, October 25, 2009

Nung bata ka, hypo allergenic shampoo mo( Johnson's and Johnson's)

Ito ay upang maprotektahan ang iyong 20 20 eye sight mula sa shampoo na mahapdi at

nakakared ng eyes pag nalagyan ka. Na minsan nakakaiyak pa

Ngayong matanda ka na, minsan sa sobrang pagmamadali mo. Kahit nalalagyan na mata mo, Tuloy tuloy ka pa din sa pagshampoo.

Pag natamaan ang mata, huhugasan mo ito agad agad pero wala ka ng paki o maramdaman na sakit.

In short, Kung dati sobra ka upang protektahan sarili mo sa sakit. Ngayon dahil sanay ka na sa madaming sakit, naiimune ka na to the point na NAKAKASANAYAN MO NA ito kahit mali na.

Paranormal Activity
Ang isang tulad ko ay hindi normal na matatakutin na tao,
nagkataon lamang na I'm like so magugulatin lang
If you doubt it, you can talk to some SOURCES.

Pero after I've watched the PARANORMAL ACTIVITY,
natulala ako, ndi maalis sa isipan ang napanood at can't talk about it din.
Pukien!

Siguro sa kadahilanang, 1. isa siyang Independent film or more like a Home made video na
ang dalawang bida lamang ang cameraman. 2.Hindi edited yung film, hindi naman ako movie expert o super film critic pero kasi naman, mukha talaga siyang nakakatakot 3. Kita ung footsteps after lagyan ng pulbos ang sahig. 4. Tanginis, ikaw ba hilahin ang paa sa pagkakatulog
5. magkaroon ng bite mark sa katawan 6. Bulungan ng hangin 7. Sundan ng demonyo mula sa mga bahay mo nung 8 13 at nowadays mo tapos after masunog bahay mo nung 13 ka e mkkita mo ung pic mula sa luma mong bahay sa bahay ng nowadays attic mo. 8.Makarinig ng yabag kahit walang tao 9. Sapian maglakad wag maalala ang ginawa mo mapatay jowa mo

at malamang ang nangyayare sayo ay nangyare na din sa ibang tao 30 years ago

Sino di matatakot? im not saying na feel na feel ko na parang sa akin ng ngyare pero kapag napanood mo siya ewan ko na lang kung hindi mo mafeel ung same emotion na nafeel ng mga bida

p.s: if u dont know what im talking about. go na. hanapin the torrent, watch pero magdala ng extra friends at popcorns :)

Labels:

Ghost Town
Friday, October 23, 2009


Sa mga ganitong panahon, so hirap ng walang matatawag na pamilya

FYI, ndi dahil sa ulila ako or what? Pero sa kadahilanang ‘like my family fly fly away to the milk country”

In short, New Zealand

Mahirap sagutin ang tanung na Pia, umuwi ka na? dahil baka masagot mo sila na sana o ng paulit ulit na istoriray na OO, asa nz pamilya ako at iniwan ako dito sa PINAS. All alone

Maglalakad ka sa grove ng 9, walang tao.

Kung may tao, mga tambay lamang na wala na ginawa sa buhay kundi tignan ka from head to toe at mag-hi sayo na filing nila, Facebook friends kayo. Ta naman!

Mapraning. Mulat magdamag sa bahay niyo.

Dahil bawat galaw, filing mo may aliens in the attic kayo o monsters under the bed kahit wala kang attic at walang space under your bed. Ta naman!

Mamiss palage lage ang nanay mong madaldal, ang tatay mong makulit at kapatid mong masungit. Thinking, Bakit hindi pa ko grad at kasama nila?

Sa sobrang miss, mararandom thoughts ka na lang bigla na wag na grumaduate. Iwan lahat just to be with them

Lalo pa ngayon na habang nageenjoy sila kasama ang lahat ng mga pinoy sa Nz ay asa pinas ka magisa.bored.nalulong sa Facebook at iba pang internet junkies. Ta naman!

At bakit ang dameng establishyemento na sarado?? Aber!

Hellerkey, nd ba kame mga tao na kailangan ng serbisyo niyo

Alam niyo bang nakakapagod din matulog at kumain lang!

Pramiss

Isa pa, bakit kasabay pa ng sembreak ang mga mumu stuffs.

Magisa ka na nga sa bahay, panahon pa ng mga multo. Gagana pa imagination mo na ang kahoy ng iyong kama ay isang multo pag nasinagan ng araw. Tama ba yun?

In 2 months time, pasko at new year na naman!

2 years without my family pa din pa din.

Carrry bels naman kahit totally depressing lalo na pag miss mo na

1. ang hamon na almusal niyo buong Christmas break

2. ang malinamnam na spaghetti ni mamers ang cake ng red ribbon na iiwan ka ng nanay mo para pumila para tumingin sa mga malalandi niyang gamit,

3. ang pagpilit mo sa tatay mo na Huwag sinturon ni hudas dahil kahit ineexpect mo na, magugulat ka pa din,

4. ang pakikipagpatayan mo sa kapatid mo pag new year para sa mga 5 piso at 10 pisong isasaboy ng magulang mo

5. ang pagbubukas ng regalo kasama ang kinang sa iyong mata

ang good thing lang ata pag pasko without your family ay mas malaki nakukuha mong pera kaysa lahat. Why? Naawa sila sayo kasi, ulila ka daw. Hahahaha

OO, mahal ko ang Pilipinas.

Ayoko pa din siya sukuan dahil pinaniniwalaan ko na may pag asa pa ito

Ayoko pa din naman sa malayebeng hangin sa New Zealand

Ayoko sa mga burgis na kultura ng mga FILI/NZ

Lalong ayoko pa iwan ang mga kaibigan na labidabs ko pa din naman ever.

Pero ano magagawa ko?

Blood Is really thicker than water beybe.

And I really miss my family,

no explanations and elaborations.

Yun na yun

Never
Monday, October 19, 2009
We may be compatible in many different ways
I may like you or more
But still, i will never be one of your victims.
Never.

------------------------------------------------

Labels:

Masakit kuya eddie.
Sunday, October 18, 2009
sakit ng ulo ay isang pakiramdam na dulot ng maraming bagay...

Matagal na pagbabad sa harapan ng bagay na mayaman sa radiasyon
paginum ng sangkatutak na alak sapagkat ito ay libre
Matagal na pagaaral o matagal na pagtititig sa isang papel na hindi mo naman naiintindihan. (Pareho lang yun)
Sobrang marlboro menthol
Sobrang kape leading to no sleeping moments
pagtangkilik sa masamang bisyo na nakabalot sa papel

Ilan ito sa mga normal kong ginagawa na nagdudulot sakin ng matinding sakit ng ulo. sakit ng ulo na tumutusok sa unting natitirang brain cells ng utak ko dahil sa hindi pagtangkilik sa Memo plus o dulot ng too much pork

Ang sakit na ito ay maaring maiwasan sana..

Kung nagaaral ng mas maaga
Kung nakikinig sa lola na umiwas sa serbesa
kung inintindi ang ibig sabihin ng bawal
kung nagbabasa ng ads na nagsasabing its dangerous for your health
Kung natutulog na lamang at hindi nageexcessive facebook
at kung pinapatay ang mga bagay na maliwanag at kailangan ng saksakan

Kung hindi maagapan:
baliw-ness o cancer aabutin mo

"Alam mong masakit, alam mong bawal, alam mong mahirap
pero alam mo ring mas masarap"

Labels:

fly red butterfly. Lipad.
Saturday, October 17, 2009
Kailan ka ba matuto?
bakit ba may mga babaeng ginawa lang ata ng diyos para lokohin ng lalake?
bakit hindi na kayo natuto?

Hindi mo dapat sinasabi sa lalaki ang mga kahinaan mo,
Tandaan: gagamitin niya ang mga bagay na yun against you pag nagkatapatan na.

Matuto ka na Babae.
Hindi mo kailangan ng Lalake para maging masaya!
HuWag mo isiping hindi mo kaya magisa, MATAPANG KA

May alak, yosi at mga kaibigang tapat na aagapay sa iyo
kapag hindi na talaga kaya, tumawag ka sa kanya paminsan minsan
Hindi man agad maayos ang mga problema mo, Sigurado gagaan kahit papaano ang pakiramdam mo

*P.s. Dedicated ito para sa iyo.
Paano kapag alis ko at pagalis nilang lahat na makikinig sa mga istorya mo tungkol sa Pambabae niya,
Kanino ka lalapit?
Sino pa paghuhugutan mo ng lakas ng loob?

Tumayo ka ng deretso at hawakan ang kamay ng batang yaan,
Maglakad. Huwag ng lingonin ang nagpapahirap sayo ng tatlong taon.

Mas magaling ka higit sa akala mo..

random nothingness. Everything has a meaning.
Saturday, October 10, 2009

Habang tumutugtog si el paboritong kanta “Time after time”

Kung susumahin ang humigit kumulang na limang taon ko sa koleiyo, ha-hall of fame ang semestreng ito

Sa kadahilanang:

1. Ito ang pinakatamad kong sem

2. Ito ata ang unang beses na magfifinals ako sa major subjects ko ng hindi required( Hahaha! Yabang ko ba? J

3. Unang semester ko ito na na masimizesssses ko ang absences ng mundo

Take note ha: 3 lng subjects ko, at wala pang alas siyete

Sori mami dadi

Posibleng dahilan:

1. Ang kolehiyo lifeness-es ay sadyang ginawa na apat na taon lamang, dahil kapag dumating ka sa panglimang taon, tatamarin ka na kahit alam mo na “graduating na you”

2. Tety time?

3. Biglang sumarap matulog!

4. Tinatake 4 granted ko ang thought na graduating ang lola mo

5. Ikaw ba naman bigyan ng 13 units( 3 units thesis, 1 unit drp), kung hindi ka tamarin. Mas fun ang regular load kesa bum load. TOdo

Added thoughts: Ibagsak ko kaya subjects ko this sem, para kumpleto units ko next sem at hindi ako tamarin

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Bakit nakakaiyak ang last song sabay slow mo ng mga love story?

Lalo na sa mga moment na mapapakana ka ng “Makita kang muli ng sugarfree”

1. Wicker park

2. Serendipity

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The best part of falling in love with you, is never knowing what hit me.

-

------------------------------------------------------------------------------------------------

Sabi mo sabihin ko lang kung may kailangan ako gawin sa 17, pero di ko alam paano ko sasabihing may removals ako ng Chem 40 sa 19 at kailangan ko magaral!

--------------------------------------------------------------------------------------------------

May mga bagay na mas gusto ko maramdaman kaysa marinig

------------------------------------------------------------------------------------------------

Magaway na si batman at si pokwang, bumagsak na lahat ng subjects ko ngayon wag ko lanf masingko ang chem. 40

Pia's last month Salary
Sunday, October 4, 2009

Mama,eto po yung breakdown ng gastos ko mula sa 7500 na baon na kinuha k okay tita ana. As you can see,exaxt amount yan. Walang dagdag,walang kulang.

7500- initial

Breakdown:

100- sensory

100- grocery

100-labada

400- Sensory

500- Baon ( Sat to Sunday)

1125- Baon ( Monday to Friday)

100- labada

400- contact Lens

700- rebond

1575- Monday to Sunday

1125- Moday to Friday

500- Saturday to Sunday

1125- Monday to Friday

125- Labada

500- Saturday to Sunday

500- Monday to Wednesday

Equals: 8975

Sa totoo lang. binawasan ko na baon ko. 1500 na lang per week. Pero 1625 ata ung nilagay ko sa listahan ko kaya nagkasya the baon hanggang Wednesday this week. (october 7, 2009)

P.S. Mahal kita kaya hindi kita dinaya. heheheeh mwah!

will learn to accept that the only thing that is constant is change
Saturday, October 3, 2009



Sa mga ganitong panahon, nararamdaman ko ng malapit ng matapos ang kabataan ko

Hindi dahil buntis ako o magpapakasal na.

esmuzki.

Sa kolehiyo ko nagawa lahat. Sa kolehiyo ko naaply ang aking rebellious tendencies.

Dito ginawa ko lahat ng ihinarap sakin. lahat ng tingin ko kapag hindi ko ginawa, pagsisihan ko dahil one experience less ako

Nagawa kong..

1. Magswimming sa baker ng nakasoroshit at ytnap with 3 tao more pa.

p.s: nahuli kame ng piggoy, pinangalanan ang sarili ng cristine joy sanchez aka random name, nagaral ng HRM sa cdlb, un pala walang ganun dun at napagkamalang kamaganak ng isang mayor

2. Tumalon sa santan sa tapat ng tambayan ng goms at amags. nasugatan. Nakalimutan tumayo

3. Nagyosi. Naadik. Marlboro menthol please.

4. nainum lahat ng posibleng kombinasyon ng alak sa buhay mo

Worst drink: lambanog chase: cossack vodka.

Sikreto lang: niluwa ko sa baso pagkatapos.

5. Nagjuts. Makailang ulit. hindi naadik

6. Mapalayas sa klase

Ikaw ba naman makipagtawanan sa ex mo sa chem 40

Nakakalungkot. Kamukha ni teacher si lola nanay ko

7. Magonline games 9 pm to 6 am. hindi adik. tinry lang

8. Lumandi ng random people.

9. Masaktan makailang ulit. Mabuti ng magmahal at masakatan rather than to never have loved at all (puta! cheezy)

10. Magtanggal ng testticles ng manok. Takenote dapat mabuhay siya pagkatapos (Required)

11. Kissed 18 men (and counting)

12. Pumasok ng lasing. galing sa bday bash. magexam at maka 44 over 100

13. maka 6 over 100 sa exam. Putang ina. Nagaral ako mahirap lang talaga. nagevolve ako sa 2nd exam. 23/ 100. I love u maam batumbakal

14. Uminom hanggang 8 am. Maginum ulit ng 4 pm onwards. tapos umuwi. Sumuka sa gilid ng kama

15. Mangopya sa stat pre fi. tangina pababa ung upuan. anu magagawa ko?

16. Matulog sa kalsada

17. Magkatay ng manok, baka, baboy (Required)

18. Magdoodle sa desk. Sino ba di gumawa nun?

19. Tumitig sa teacher na mukhang nakikinig pero ang totoo gusto mo na lang tumayo at sumigaw ng ayoko na

20. Malaglag sa butas sa may raymundo, sa putikan sa st. therese chapel

21. Husgahan ang diyos. Thanks sa teacher ko sa philo ng NF ka. Pro in the end, nagsisimba pa din ako at nakakaramdam ng pagsisi sa bawat panahong haharap ako sa kanya.

22. Kumickback ng 1200 nung 1st sem 09-10. labyu

23. Jumebs sa hum, physci, Ncas, bahay nila marlon, ... , nonel, nica, Cafe antonio, boston, appd, villegas hall, cvm, vega :-)

24. Umakyat sa raymundo gate. Yey!

25. magcommit ng unang yosi kasama si karla sa freedom,

26 malasing ng 8 pm. Akayin sa kalsada pauwi. Makalimutan paano makauwi. Sumuka sa grove.

27 magdinner ng kape, walang pera.

28. maligo sa alulod sa bubong at sa kahit anung may tubig kasama si nica

29. Makipag momol sa apec. Love it. Hahaha

30. Hubaran ang mga kuyang medyo cute sa isipan. Hahhaa

31. Tumalon sa natural pool mula sa mataas na puno. Makagat ng lematic. Maakyat ang peak 2

32. Tumakas ng tulog sa new dorm once kahit taga mens dorm ako

33. dayain thesis outline ko. Hahaha.

--Some regrets—

Hindi magbaging.

ang mga kakaibang pangyayari ay dala ng pagkabata. trip. alak.kapilyahan.

Ang post na ito ay hindi pa kumpleto

Ang iba ay pinilit tanggalin ng author, dahil indenial pa siya sa iba niyang ginawa.

Pagkakuha ko ng diploma ko, marami magbabago.

Marami mawawala. kaibigan. uplb. pilipinas. bisyo

pagalis ko dito, seryoso na dapat ako. bawal na magloko. bawal na lumandi. bawal na bumisyo

kain tulog trabaho tv bahay opisina na lang ako

dahil sa new zealand, Wala kong social life

Sa new zealand, madaming pagbabago

Hindi ko man naiisin

Hindi man siya iimpose ng nanay at tatay ko

Mahihiya na ko

Matatakot ipakita si piang magulo makulit. carefree

Dun whisper na lang ako

Sa nalalabing almost 8 months nang pagkadalaga ko, eennjoy ko lahat.

masira ko man katawan ko, alam ko namang mababawi ko sya gamit ang fresh air ng nz.

Sa nalalabing 8 monts nang pagkadalaga ko, itutuloy ko lang lahat ng ginagawa ko. mali man sa tingin ng matatanda at ng kapatid ko. gagawin ko

alam ko namang pagdating ko jan. AAlisin sakin ang lahat

Gusto ko gumawa ng difference sa pilipinas, ayoko siya sukuan tulad ng madaming Pilipinong sinukuan siya. Pero ano magagawa ko, pinlantsa na ang buhay ko. bago pa ko makapagsalita?
Hindi ako kumokontra dahil alam kong hindi maayos ang buhay namin sa Pilipinas dati.

alam kong they just want the best for me..

Sana sana sana...

Kapag kaya ko na makapagdesisyon sa sarili. Kapag kaya ko na malayo ng tuuyan sainyo mama papa mico.

MaKabalik ako kahit alam kong ag mga iiwan ko ay hindi na rin ang babalikan ko..

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Ninanais ko gumraduate di dahil gusto ko na matapos sa pagaaral. masaya magaral. Masaya ang kolehiyo.

Ninanais ko ang diplomang iyon dahil gusto ko kayo makasama. gusto ko maibalik ang mga bagay na pinilit niyo ibigay sakin.

sa lahat. Salamat.


Hindi ako naniniwala sa salitang pagsisisi, dahil sa bawat sandaling naging masaya ka kahit kaunti sa mga naging desisyon mo kahit gaano ka masaktan. Dapat maapreciate mo ang iyong desisyon


P.s: babalikan ka. magbrobrothers tayo. salamat sa 1st sem o9 10







piLYa


Designer / Mira Muhayat
Icons / Fonts.com
/html>