loser mode
Saturday, July 24, 2010
Na-pre-pressure na ako.
Saan?
Sa lahat ng bagay
particularly
NZ life

Hindi ako makahanap ng trabaho, lahat sila sinisigawan ako ng job experience pero ika nga ni Sam paano ako magkakaroon ng experience kung ayaw niyo ko bigyan ng ohabarts. Siguro lagpas dalawang daan na inaaplyan ko at alam mo kung ilan tumawag for interview? dalawa!! Isang mcdo at isang heater na hindi man lang ako tinawagan after ng interview para kahit paano malaman kong rejected ako with flying colors kesa naghihintay ako sa wala. Everytime na makakakuha akong rejection letter, bumaba lalo confidence level ko at paubos na ang level niya sa dami ng rejections na yan. Kaya siguro ako naka-acquire ng bagong skill ng pag stutter ngayon pag nag-eenglish. Ang fun noh? Kung kelan ako napunta sa imported na bansa saka ako natuto magstutter. Ganoon kasi ako pag hindi ko macontrol sarili ko at ninerbyos ako.

Dagdagan mo pa pressure sa magulang at kapatid ko. Sorry daw mama at over-achiever ka, minsan pag hihingi akong tulong kay ina about editing my resume nahihiya na lang ako kasi parang pinapamukha pa sakin na hindi ako magaling sa english, na graduate na ako bakit ganyan pa ako magisip at sa mga kind ng trabaho na inaaplyan ko. Masyado daw mahirap trabaho dito, hindi tulad sa pinas di daw dapat ako mag aim high agad agad,dapat daw assistant chuva muna which is tama naman pero tama bang pagmukain pa akong tanga habang in-explain sakin. at paano ko kaya malalaman qualifications dito, hindi pa naman ako nagtrabaho dito diba? Alam ko naman mataray at mataas palagi expectations ni mama kasi gusto niya ako mag-strive harder.. Di ko na lang siguro kinakaya pag-push niya sakin ngayon kasi pinanghihinaan na ako ng loob.

Pasok si kapatid. Ikaw na walang bisyo, masipag, madaming pera at A.K. Pagalitan daw ba ako na nagaapply pa daw ako sa supermarkets at fast food chains. Dapat daw office jobs agad applyan ko para malaki agad sweldo. Tingin mo ba magaapply pa ako sa fast food at supermarket kung natatanggap ako sa putang inang office jobs?!! Sabihan pa ako na hindi daw ako nagaapply hard enough. Ikaw kaya magtingin araw araw sa trade me at seek jobs. comeown!

dagdagan pa ni papa na tingin sakin ang galing galig kasi daw up graduate ako, feeling niya ata kasing galing ako ng asawa niya. Sorry papa ha! ikaw palagi ko napagiinitan ng ulo, ikaw kasi mabait eh. stressed lang ako at intoxicated na sa environment ko.

Minsan naiisip ko sana nasa pinas ako, hindi dahil madali kumuha ng trabaho diyan, grabe mas super dami kaya ng competition diyan pero at list diyan malupit ang school ko, may backer ako kahit papaano at alam ko ang approach na dapat gawin.

Nasstress na ako super, dagdagan pa ng wala kang kausap maliban sa sarili mo at ang iyong thoughts. tangina kasi akong miss congeniality sa pinas ngayon ZERO friends! Nakakapagod din pala tumunganga sa internet, sa tv at maghintay ng kahit sinong online friend para kamustahin ang walang pinatutunguhan mong buhay at humirit ng cows at sheep joke na tingin nila nakakatawa. Mga tanga kayo, hindi buong NZ eh puro bundok at baka!! May city din siya kahit ang city nila kasing lungkot lang ng isang kalsada sa quiapo.


Sorry sa sentiments page ko na ito after kita hindi sulatan since may or april pa ata. Need to release all these anxieties muna bago ako sumabog tulad ng mga non-existent weapons of mass destruction sa middle east

Peace out

Ang loser ko lang! Haha








piLYa


Designer / Mira Muhayat
Icons / Fonts.com
/html>