Tila ka isang birdie kung lumipad sa kantang Narda, na nababalot ng hiwaga. Isa kang sundalo, matapang malakas na hindi nagpapakita ng kahinaan lalo na sa harapan ng mga Darna. Matagal ka ng nakikita at hinahangaan mula sa malayo, hindi ko maipagkakait na nasa listahan ka ng Pia’s top 100 kasama ang isang comsay,isang rosig na kulot, isang siling giniling,isang agri at madame pang iba na hindi ko maalala ang pangngalan pero alam ko ang autobiography pag nakita ko. Isa ka sa mga tinitingala ko sa langit kahit pareho kayong nakatungtong sa sementong putikan. Anu’t ano pa man, pinalad lang ako ng bahagya makadaupang palad ka sa kadahilanang pareho nating nangangailangan grumaduate. Kahit nakaupo ka sa isang madilim na sulok, ikaw ang prinsesa na taga palasyo. Dumaan ang mga minuto, oras, araw at buwan na hindi tayo pumapasok sa pangangailangang yun. Wala kasing may pakialam. Nagkikita lang tayo muli sa araw ng biyernes, ala-una hanggang alas kwatro. Nang una mo tinawag ang pangngalan ko habang kinakapon ang nasa hapag kainan, lumiwanag ang langit, ang boses mo ay maganda sa pandinig na parang kasabay ng huni ng mga ibon at kuliglig, nagulat ako. Pero naging dalagang Pilipina pa rin, OO at hindi lang alam kong kataga noon Pagpatak ng alas kwatro, tumakbo ako sa nalalapit na banyo at napaihi sa kilig. Kuminang ang mga mata habang nagyoyosi, asa raymundo talaga ang swerte ko, noon pa man. Matapos ang tatlong piraso ng pangangailangan. Nagparamdam ka bigla at pinatunayang kilala mo nga ko at hindi ko lang napanaginipan ang pagtawag mo sakin dati Dinaan at ginamitan mo ko ng iyong Plyboy style, hindi ko masasabing ako’y apektado sapagkat ang ganoong uri ng skill ay hindi na gumagana sakin, ako ang master noon. Sa isa niyong aktibidades ang unang beses. Unang halik. Unang lahat kasama ka maliban sa S word na hindi ako pumapayag kahit si Adonis ka pa. Nagkapangalwa pero hindi ka na sing tamis ng dati, sa mga panahong iyon basa na kita Adonis. Ang pagpaparamdam mo lamang ay umiikot sa alak, yosi at sexy time Mula noon, paramdam na lang ang meron tayo pero hindi na kita pinagbigyan muli, good kisser/soft lips ka lang at yun lang ang meron ka (pati pala mukha mo) ------------------------------------------------------------------------------ Kelangan ko magsinungaling di dahil hindi ka masarap o dahil hindi mo ko mapapasaya sa kama kasama ang ngenge mong PWEDE NA. Nagsinungaling ako dahil kuntento pa ko sa kung anong meron ako Nagulat ka man sa kasinungalingang binuo ko at sinabing ikaw lang dapat para sakin, hanggang hindi mo ko tintratong higit pa sa Booty girl mo ay ibabasura na lang din kita sa listahan ng “my sexy time boys” kasama nila. Makakahanap naman nga daw ako ng seseryoso sakin kung nanaisin ko at magaakto akong dalagang pilipina at ito na nga ang uumpisahan kong gawin kaya hanggang aegis na lang nabigay ko sayo. --------------------------------------------------------------------------- Kung gusto mo ko o seryoso ka ngang tunay, gumawa ka ng paraan at patunayan. Buwagin mo ang dingding na nakaharang sakin at bugbugin mo ang mga taong nakaharang sa paligid at sabihin mo ang gusto ko marinig sa KANILA noon pa man. “Pia, seryoso ako sayo” ------------------------------------------------------------------------------ Still, a girl wants to be crossed by love every now and then, It gives her something to think of and a sort of distinction for her companions( Pride and Prejudice,2006) Labels: sexy time everyday okay |
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() profile pidoPIA …is like a diary I can’t keep when I was young …contains doodles from my sudden bursts of emotions … is not about you, coz its about me. However, You may be a supporting actor/actress. tagboard |
||