sa bawat pagkakataon na makakausap ko sila mama,
isa lamang ang bilin niya sakin. "HUWAG KA MAGBOBOYFRIEND AH!" promise! un tlga ending ng usapan namin palage lage! Ang paulit ulit at consistent ko din naman na sagot ay, "OO NGA! KULIT" Naalala ko minsan, pinagusapan pa namin na 28-30 years old pa daw ako dapat bago magpakasal para daw yumaman muna ako, bago maging mataba at magka-beybe( di nila alam, baka baog na ko kaka-menthol) Saka sabi ko naman wala ko balak magpakasal. Siyempre di siya naniwala, tsismis ko lang daw yun. Kung ggraduate ako ng 20, may 8 years pa ako para magpayaman at bilhin ang kahit anong naisin ko. pero kapag iniisip ko, paano kung maligaw akong landas? paano kung madala ko sa tinatawag nilang temptasyon? Tatangapin pa ba nila ako? Siyempre hindi. Kaya siguro pipiliin ko na lang magpakaduwag at palampasin lahat ng posibleng pagkakataon ngayong kolehiyo. pagsisihan ko man o ano. At list may diploma ako
Masaya ako kasi mukhang okey ka na NAMAN
Dinalhan kita ng request mo kaninang macaroni salad ng magkachat tayo sa facebook, bilang isang senyales na sana mula ngayon, SOYA na tayo saka pampagaan ng loob dahil nagkasakit ka nga. In time. Bumalik sana tayo sa dati.
Kung magkakaroon ng raymundo hot 100
Magbabayad ako kahit magkano, Manalo ka lang Hindi man kita kinokontact sa facebook o sa text, parte nang sarili ko ang can't let you go pa Hindi ko man pinapakita sayo pag binabati mo ko sa corner of the street, deep inside ramdam ko. Ang hot mo pa din Hahahaha
Hindi lahat ng sinasabi ko totoo.
Hindi lahat ng ngiti ko, ibig sabihin masaya ko sa'yo Minsan napipilitan lang ako Dahil ayoko na maging mag-isa ulit. Ikaw kasama ko, kasi ikaw ang nandyan (Canlas, 2009) Waiting is not love ( Kabigting, 2009)
Si pia… Ay isang taong pinagbibigyan lamang ang kanyang mga adiksyon sa bagay bagay. Ay madali magsawa Ay ayaw ng pilitan Ay takot maunang mamatay ang pamilya niya kaysa sa kanya Ay malaki ang noo kaya siya matalino pero namana sa nanay ang kahinaan sa MATH Ay pagod na mag-aral pero itutuloy pa din Ay alam ang pagkakaiba ng tama sa mali Ay susubukan tueirin ang unti-unti ng bumabalikong isipan Ay hindi sinasadya manakit ng kahit na sino. Ever! Ay naniniwala pa rin sa “one true love” concept Ay takot sa aso na tumatahol, ahas na gumagapang, magka lung/atay cancer at magmahal Ay naisa makapunta sa maraming lugar, magawa ang mga extreme spots at pumunta sa beach magisa at humiga habang nagyoyosi. Ay nais maging basketball player si mico. At maging successful na tao kahit huwag na siya. Ay gustong matuto magdrive kahit wala siyang kotse. Ay pangarap makakita ng falling star Ay gusto ulit Makita si tuti bago siya mapunta sa new Zealand Ay bibilhan si papa niya ng banig na sandalan sa sasakyan dahil alam niyang pangarap niya yun. Ay madaldal Ay aminado ng may short attention span siya Ay malakas maginom at hindi ito kinakahiya. Ay pango Ay matuto magmotor baling araw kapag tinuruan siya ng sisses niya Ay gusto ng baby na kapatid. Pa-transform po si mico Ay hindi takot sa multo Ay babalik ulit sa elbi/pilipinas matapos niyang lumisan soon. Ay nais ikasal sa beach habang naka-paa pero hindi makita ang sarili na may asawa Ay hindi pa rin nahahanap ang best shampoo para sa kanya pagkatapos ng 19 na taon Ay pabago bago ang isip. Ay magaling magsinungaling pero hindi niyo malalaman Ay nais ulit mangolekta ng libro at magbasa g madami nito Ay ayaw sa e-book Ay mahilig sa pinakbet/kare-kare, pizza, adobo, burger at pasta. Sana pagsamahin sila sa isang pagkain minsan. Ay mahilig sa tsokolate na may mani Ay mablis ma-in-love pero madali din mag fall out of love Ay nasa baba ngayon ang paboritong niyang gamit sa loob ng 18 na taon. Hindi din niya matanggap na mabubulok na ito. Soon Ay kinukutya at minamahal ang konsepto ng internet Ay hindi marunong magalit kaya lagi inaabuso Ay sobra makaapreciate ng tao kaya palage siyang nasasaktan kapag may isang nawawala Ay patuloy na humihingi ng tawad kay pam sa pag-agaw niya kay memew Ay hinihiling na lumaking mabuti si Noelle kahit wala siya sa panahong iyon Ay palageng nagpapasalamat dahil si Nica ang pinili niya maging ninang Ay tamad pero ginagawa pa rin ag mga naka-atang na responsibilidad sa kanya. (mana kay papa) Ay inaaam na maging Masaya lahat ng lalakeng minsan niya nakasalamuha sa buhay Ay pinagmamalaking miyembro siya ng TC at BKE Labels: all about pia.
Sa mismong panahong ito, as in right this moment omismo sa minutong ito. May isang kraze, uso, trend na unit unti kumakain sa sistema sa karamihan ng mga kakilala ko ngayon. Isang uso tulad ng facebook na unti unting nagpapahook sa bawat isang tao na mapapaisip maginstall nito At ito ay ang plants vs zombies (P V Z). Isang laro na kinakailangan mo magtanim ng mga halamans na may bumabaril at may iba’t ibang silbi upang kalabanin ang mga zombie na ibat ibang kulay at iba iba din ang lakas na taglay. Una ko siyang narinig mga 2 linggo na ang nakakaraan ng mapadaan ako sa bahay nila mykkan at nakita kong may nilalarong makulay si chino. “ the aka Korean boy” na may jacket na mayroong panda na tenga ang hood! Astig noh?. So un na nga napasilip ako ng 5 seconds pero ng makita kong pindutan ang labanan, ayoko na. sabi ko boring at mukhang nakakaadik. *take note: ang lahat ng naglalaro nito ay napuputulan ng dila sa panandaliang panahon* So un. Hindi ko naman siya nilaro bakit?
1. May trauma ako sa mga nakakaadik na laro lalo na pag tipong pag gusto ko magaral at may tendency akong ma out of focus or short attention span sabi ni oh so konyo boy na long time kras ko daw from lsgh(*asa). (Background: night before chem. Finals: nag governor of poker lang ako all night long kaysa magaral ng stereo-stereochemistry at reaction shitties) 2. Mukha siyang madali laruin dahil nga pinduan, which means may kakayanan ako malaro siya 3. Mahilig ako sa makukulay na bagay. 4. Uso e, yoko nga sumabay sa uso. Haha! 5. Hindi tumitigil sa nilalaro hangang hindi ito natatapos ang game. Ninanais palagi hanapin ang limit sa buhay. (applies sa lahat ng aspeto ng buhay) Last Friday night, habang asa bahay. Tulog ang kasama. Walang inuman. Bored. Pagod na matulog. Ininstall ko siya. Gumana ang impulsive attitude ni Pia. (tanga). Naglaro. Naaliw. Nadalian. Sa likod ng isipan: patay maaadik ka! Pinilit si kasama maglaro. Pakipot Sat am: play uli ng panandalian Tangahali: Lunch with Nica: pinaguusapan ang taktika, nang nakaraang gabi yun din ang topic ng unli call ni basil sa kanya! Oo madami ng hook na hook Sat pm: Naglaro sa gitna ng paglalaba. Atlist produktibo. Sun: Play before mass. Play when I went home. Play before after I go to sleep Mon: 7-8:30 play. Hindi pa ligo. Gutom na. Sana humiga na lang ako sa baker field at nakinig sa mga opm band with yosi at moby. Hmpf! Dahilan sa pagkaadik ng mga tao: Take note: nagiging topic na siya ng usapan ko sa daily lives. This is bad bitch. 1. Eskapo siya kahit 5 minuto mula sa stress ng pagiging estudyante. (Hindi nagaapply skin: No stress this sem ako) *Form of relaxation* 2. Madaming combination. Which means iweweigh mo kung ano magandang defense o atake. Which means ulit; makikita mo kung for better or worse ang mga pinipili mong plants dahil limitado ang slots given. Which means ulit: Kung manonood ka ng isang tao maglaro nito maliban sayo, makikita mo kung paano magisip ang ibang tao. Matuto ka o kukutyain mo sila sa loob loob mo! Nice. *decision skills* 3. Makulay ang screen. Kung iyong napapansin o kung ka-age gap kita. Na mga tipong 17- 19 en loving the teens ( cge pati na nga mga 20 something). Malapit ka na sa parte ng buhay mo na gumigitna ka na sa linya ng maturity at immaturity. Ito na ang panahon na palayo ka na sa kabataan at papalapit ka na serious stuffs kaya naadik ka sa mga laro sa laptop, Laro sa facebook, Social networking habang pwede pa.(hindi ka man aware sa fact na ito, isipin mo minsan, bakit?). Maaring ayaw mo pang tanggapin na in 5 years time possible na malimitahan ang koneksyon mo sa mga ganitong bagay, posibleng limitado na ang panahon mo maglaro at magrelax. Malaya ka pa sa ngayon maging immature o mature depende sa iyong nais. Pero dadating ang panahon. Mature ka na lang at natapon na sa basurahan ang IM. Enjoy it while it lasts. *Age defying game* Like olay without the cream 4. Walang kang lovelife. Walang magawa sa dorm, sa bahay. Hindi ka sporty. O tamad ka lang. Walang inuman. Bum. Worse: walang social life(iyak ka na). walang inuuwiang pamilya? (iyak na ko) *Miscellaneous activities* 5. Ang bawat nilalang sa mundo ay may tinatagong “competitiveness”, mapa anuman ang sabihin nila na wala silang pakialam o mahiyain sila. Pag nauna ka maglaro ng plants vs zombies dapat hindi ka papa-arangkada ng level ever. * Competitiveness* RECRUITS: 1. Roy C aka “the bitch”- ayaw niya daw maglaro pero ng mabalitaan si Michael Jackson da zombie. Aun nag-play at nambugaw pa ng housemates para maadik 2. Marlon en Arvin- Sinabayan ko mag dinner kagabi at buong puso hinikayat maglaro sabay nakasalubong ko kanina sa raymundo si Arvin. Muntik na siya malate sa klase. U know why? Ngplants vs zombies siya before 7 am. Omg db? 3. Gem- Malapit na sumapi sa koponan, nghihintay na lang bigyan ko ng application. Kapag nakuha ko si gem, kuha ko na si vea. Ikalat ang virus. Zombey virus! Kasamahan: 1. Nica- naglunch kame ng sat at un ang pinaguusapan. Nag-café Antonio kame ng Friday, un ang usapan. 2. Dudel- Mayabang. Natapos na daw ang p v z TWICE. Anu naman? (*bitter) 3. Basz- ginamit ang unli call para tawagan si nica at bigyan ng pieces of advice aain sa p v z 4. Roy A. – Sumira ng bahagya sa pangarap ko. Sinabing 2 rounds ang adventures, meron pang mini-puzzles at survival. Ok, matagal ang game 5. Filipina unit 10- 6 sila sa bahay. Lahat players. Alternate sa pc ni franc o kanya kanyang laptop just to play 6. Ate sa barax- mukhang masungit pero sa kadahilanang we have something in common dahil she’ playing. Saw her xoxo. Kinausap ko siya. J 7. Roy C. – During yosi moments with metrobank. Pinaguusapan ang strategies. Nagpapanggap na zombie at kunyare kalaban ang mga halaman sa paligid LOOKing for other people out there who want special mention. Txt me 09164952**9 P.s: nang Makita kita sa ilalim ng 3.00 sun sa may raymundo kanina (083109). Naramdaman ko pa din kuminang ng ilang karats ang mga mata ko. Nagagawa mo pa din pala sakin yun. Kahit hindi na ko “man who cant be moved”, at dumadaan na lang ako. Reason: baka may parte kong nagtatanong pa din ng What if? àNang magdampi ang siko mong puno ng pawis sa braso ko, napangiti ako sa loob loob kasi naramdaman ko buhay ka pa, kahit hindi NA sa puso ko Ps times two: Ang sexy timeses ay iwasan kung may exam kinabukasan nang hindi ka mahiritan ni teacher na kapag binaliktad ang iskor mo, pasado ka na. (090109) Happy birthday ferdie at ayan! Wow birthday ng mga crashes ko. Saktuhin ko nga, pagngkabeybe ako, iluluwal ko sa September 1 bka cute mga pinanganak pag ganitong day. Coming soon: One shot- paper from my eng 2 class a year ago. * about basagan!* |
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() profile pidoPIA …is like a diary I can’t keep when I was young …contains doodles from my sudden bursts of emotions … is not about you, coz its about me. However, You may be a supporting actor/actress. tagboard |
||||||||||||